MAHAL MO KAIBIGAN MO?
● Maging mabait ka sakanya.
Huwag kang masyadong masungit, may mga ganun kasi diba, sungit sungitan akala mo naman lalambingin ka niya kapag ganyan ka. Remember, para sakanya ‘friends’ lang kayo.
● Huwag ka munang aamin.
MUNA, huwag MUNA. Jusko be, malay mo infatuation lamang iyan nararamdaman mo. Malay mo nagwapuhan ka lang sakanya. Pero kapag umamin ka magsawa ka na agad or kapag nasabi mo na biglang may makita kang hindi mo gusto sakanya, nakakahiya. Wasak ang puso. Wasak ang kahihiyan. At syempre babae ka padin, kapag dumating sa time na KAILANGAN na talaga tsaka ka lang umamin. Ika nga sabi ko noon sa friend ko, “CONFESS WHEN YOU REALLY FEEL THAT, THAT IS TRUE LOVE. ON THE RIGHT PLACE, RIGHT TIME AND OFCOURSE RIGHT PERSON.”
● Huwag kang “Easy To Get”!
Utang na loob. Huwag. Halimbawa nagconfess kana. Tapos sinabi niya lang sayo na mahal ka din niya, my gosh be, obserbahan mo muna kung talaga totoo yun! Marami na ngayon na kapag nagconfess ka kahit di naman mutual ang feelings ‘pinapalabas’ nilang mutual! Mga baliw, malalandi, makakati. Haha. Peace. Anyway, uulitin ko huwag kang easy to get. Magpaka’Maria Clara ka kung kinakailangan! Hindi ka pa naman siguro kukunin ni Lord kaya hinay hinay lang. Magsigurado ka kung totoo ang nararamdam niyong dalawa sa isa’t isa.
● HUWAG KANG CLINGYYYYY!
Kahit di ka pa naman umamin or kahit umamin kana juicecolored wag kang clingyyyyy. Utang na loob. Hindi porket sa tingin mo mahal mo na siya, o sa tingin mo dahil umamin ka ng iyong pagibig eh pwede kanang maging clingy. Huwag kang magtetext sakanya oras oras tapos kapag hindi nagreply magagalit ka at magiinarte ka. HINDI KA GIRLFRIEND! Huwag mo siyang itext na ‘kumain kana’, ‘huwag kang magpupuyat’, huwag ganto, dapat ganto, ito lang pwede , etc oras oras o araw araw. UTANG NA LOOB HINDI KA NGA KASI GIRLFRIEND AT LALONG HINDI KA NANAY! Basta wag kang clingy. Woo.
● THINK TWICE. THRICE. THINK MANY MANY MANY TIMES.
Kung friends kayo, magisip kang mabuti. Meron dalawang possibility na mangyayare.
Number one, kapag nagconfess ka. Tapos sabihin niyang gusto ka din niya. Niligawan ka niya. Naging kayo. Nagtagal. Nagkasawaan. Nagaway. Nagbreak. ASAN NA SA TINGIN MO ANG FRIENDSHIP? Mawawala. Kaboom.
Number two, nagconfess ka. Hindi ka gusto. Naging awkward. Nawala din ang closeness niyo. Kaboom ulet.
Maraming iba naman nagiging magkaibigan padin pero hindi na ganun ka close. Kaya magisip ka maigi para hindi ka manghinayang sa “FRIENDSHIP” niyo.

Done. Sana makatulong sayo. This is based on my observations and experiences. Thank you for reading my blog. Copyrights for those who will grab any words, phrases from my article. 😊 😊 😊
IG: @tintinpalomar
FB: Tintin Palomar
FB: Tintin Palomar
(Source: tintinpalomar)
0 comments